Pagcha-charge ng iyong device
Palaging gumamit ng orihinal na Sony charger at USB cable na inilalaan para sa partikular na
modelo ng iyong Xperia™. Maaaring patagalin ng iba pang mga charger at cable ang pagcha-
charge, maaaring hindi talaga ito mag-charge, o maaari pa nitong masira ang iyong device.
Tiyaking ganap na tuyo ang mga USB port at connector, bago ikabit ang USB cable.
Mas mabilis na macha-charge ang iyong device gamit ang isang saksakan ng kuryente
kumpara sa pagcha-charge sa pamamagitan ng iyong computer. Magagamit mo pa rin
ang iyong device habang nagcha-charge.
Kung wala nang baterya, maaaring magtagal nang hanggang 30 minuto bago tumugon
ang iyong device sa pagcha-charge. Sa oras na ito, maaaring manatiling madilim ang
screen, at hindi nagpapakita ng icon ng pagcha-charge. Tandaan na maaari ding
magtagal nang hanggang 4 na oras bago ma-charge nang puno ang isang bateryang
ganap na naubos.
Ang iyong device ay may naka-embed at nare-recharge na baterya na mapapalitan lang ng
isang awtorisadong Sony repair center. Hindi mo dapat subukang buksan o kalasin ang device
na ito. Kapag ginawa mo ito, maaari itong magdulot ng pinsala at mapawalang-bisa ang iyong
warranty.
Upang i-charge ang iyong device
1
Isaksak ang charger sa isang saksakan.
2
Isaksak ang isang dulo ng USB cable sa charger (o sa USB port ng isang
computer).
3
Isaksak ang kabilang dulo ng cable sa micro USB port sa iyong telepono, na nasa
taas ang simbolo ng USB. Magliliwanag ang ilaw ng notification kapag nagsimula
na ang pag-charge.
4
Kapag ganap nang na-charge ang device, idiskonekta ang cable sa iyong device
sa pamamagitan ng paghila rito palabas. Tiyaking huwag mabaluktot ang
connector.
Gamitin lang ang charger na ibinigay kasama ng iyong device o ibang Sony charger para sa
pagcha-charge ng iyong device.
Kung ganap na naubos ang baterya, maaaring tumagal nang ilang minuto bago lumiwanag
ang ilaw ng notification at lumabas ang icon ng pagcha-charge .
39
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Status ng ilaw ng notification ng baterya
Berde
Nagcha-charge ang baterya at mas mataas sa 90% ang antas ng charge ng baterya
Orange
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 90% ang antas ng charge ng baterya
Pula
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 15% ang antas ng charge ng baterya